Magandang Araw sa lahat, ako po si Mark Pesimo mas kilala sa tawag na "Kuto". si tatay at si nanay ang nagbigay sakin ng palayaw na yan, madalas nila ako tawaging "Kutong kuto" sa di alam na kadahilanan, siguro dahil makulit ako at cute : ). Pinanganak ako sa Tondo, Manila noong Nobyembre 2, 1985, pero lumaki ako sa Olongapo City. Isang normal na bata na inabot ang mga larong tumbang preso, tagu taguan ang taya tayaan, pasalamat ako dun at doon naging malakas ang katawan ko at handa sa mga hamon ang buhay.
Nag aral sa day care ng Kinder at ang naalala kung tinula ko noong graduation ay "ang manok". sa Holy infant jesus college naman ako ng grade 1 hangang grade 3. lumipat sa St. joseph School ng grade 4 hanggang 1st year high school, dito ko na natutunan ang mga kalokohan sa eskwelahan. tulad ng pagkuha ng NBA cards ng kaklase ko nung Grade 6 tapos binogbog niya yung isa kong kaklase kasi kala nya siya ung kumuha.
Nung 1st year high school nagpasimuno ng paninilaw sa mata gamit ng salamin, pinag tripan ko ung andun sa kabilang bahay na matanda eh nahuli ako, kaya un ang naging unang guidance ko, pinagalitan tuloy ako nila emats at epats. hehehe.
Nang ng 2nd year high school na ako, ng decide sila epats na lumipat na sa bicol, taga dun kasi si epats para daw malapit sa mga kamag anak. dun na nag iba ang ikot ng mundo ko. 2nd year high school ako wala ako maintinhan sa mga kaklase ko, puro bicol kasi salita nila. pero lumipas naman ang mga buwan at natuto ako at nakaka pag bicol na rin ako, natuto ako mg cutting klase para lang maglaro ng "Golden Eye" walang hiya isang beses pa nga na raid kami, kaya yun kanya kanyang takbuhan. hehehe.
Pumasok ang 3rd year at dito na ko nagkaron ng marami pang ka tropa. at sari sari pang mga kalokohan ang natutunan ang mga bisyo, siguro normal naman ata un sa mga mag aaral at mas tumindi ang pag lalaro ko ng computer naadick ako s Devil May Cry, kada uwian Star craft kundi naman ay counter strike (pero nasusuko naman ako pag naglalaro, nalulu-la).
4th year high school napili ako maging platoon leader s PMT. walang hiya laging sablay kaya tuloy lagi kami na papa push up ng platoon namin. dumating ang graduation at ang tanung ano ba ang magandang kunin course pagdating ng college, eh dahil mahilig ko sa computer, computer science ang pinili ko simpleng simple. wala akong ka ide idea kung ano ang mga pag aaralan sa computer dahil ang alam ko lang naman nun sa computer eh games.
Dumating ang 1st year ng kolehiiyo, ito na cs11 na subject unang subject ng mga com sci. dun ko natutunan ang flow chart, kala ko nung una kung ano lang ung mga box box at bilog bilog na tinuturo sa min. yun na pala ng flow chart so medyo na inganyo ako at parang ang dating challenge ito dahil bagong kaalaman ang matutunan ko. so lumipas ang mga sem natuto na kung magprogram s turbo C, at ang walang kamatayang unang program na nagawa ko ay ang makasaysayang "Hello World".
Pag tung tung ko 2nd year nakilala ko na ang isa sa mga idol ko s pagtuturo, Hindi ko nga alam bakit ang dami dami bumabagsak sa kanya eh halos pasubo na nga siya magturo. Gamit ang makasaysayang nyang yellow na mottor na honda. siya ang naging teacher ko sa cs14, isa daw yun sa mga mahirap ng subject at totoo nga. Yung subject na yun ang ng bukas sa akin ng kagandahan ng pag poprogram. dun ko natutunan ang mraming bagay tungkol s program gamit ang turbo C at ang masakit sa mata na kulay yellow na background na compiler. nagkaron ng grupo grupo sa subject at isa ako sa mga naging leader, ma kailang over night ang ginawa ng grupo para matapos ang mga project hangang sa final defense. lumipas ang mga isang sem ibat ibang subject ang kinuha ko, anjan ang CS16-HTML, CS40-Multimedia ata un at marami pang iba.
Pag tungtung ko ng 3rd year cs32 (di ko na matandaan kung ano tawag sa subject na yun) pero dito na pumasok si Visual Basic 6 at Microsoft Access. dahil sa subject na ito mas lalong ako natuwa dahil makikita mo na yung program mo sa window, meron ng mga button at mga textbox, so parang ang dating application na talaga siya. so palupitan ng design ang tanda ko noon, lahat ng program na ginagawa ko meron akong mata na nilalagay. ewan ko di ko alam bakit may mata, siguro mahilig lang ako sa mata dahil sa mga anime na napapanood ko malakas masyado ang dating kaya siguro pag nilagyan ko ng mata yung program lalakas din ang dating. ah ewan.
Pumasok ang 4th year. isa sa mga pinaka katakutang subject ang CS42 Compiler Design, at ang idol ko ang teacher. gamit ang Turbo C pero upgraded na yung kulay ng background blue na. sa subject na ito naging team leader naman ako. hindi naman sa pagyayabang isa ang mga team namin sa mga nakaka kuha ng mataas na score. (malufet kasi ako nyahahaha). katulad ng CS14 na subject katakot takot na over night din ang nangyare pero mas madalas nanonood lang kami ng wowow sakto kasi mga 1am na yun so alam na :). pagkatapos ng Final Defense dumeretso kami agad sa Tinambac kasi fiesta saka taga doon yung isang naming ka grupo. inuman to the max at ilang araw ang lumipas dumating ang resulta ng defence meron isa sa grupo namin ang bumagsak at sayang naman.
Ang course na Computer Science ay dapat 4 na taon lang pero sa akin kinailangan ko pa ng isa pang semister kasi meron ako mga bagsak na minor subject at dun sa extra sem na yun, nakakuha ko ang Advance Visual Basic na subject. iilan lang kami sa subject na yun. parang inopen lang yun sa mga gusto matuto ng advance technique sa Visual Basic 6. dahil sa mga natutunan ko sa subject na ito, nakakuha kami ng tropa ko ng isang tindahan sa mabolo para gawan ng simpleng POS System. noong una maliit lng ung program, pero nung tumagal at nakita nang mayari ang pwede gawin sa program, lumaki ito sa loob ng halos kalahating taon. Nang natapos ko ang course ko na Compujter Science, nag lagi muna ako sa shop namin sa March 2007 pa kasi ang Grandaution, ang epats ko ay may shop na paayusan ng electric fan tumutulong muna ako dito, so pag wala gawa nagpoprogram muna ako dun sa POS system. hindi rin biro ang nakuha ko dun sa Program na yun, nasa halos lampas 10 libo din ata un. Febuary 2007 nagpaayos ng electric fan ang isa sa mga teacher ko sa UNC sa amin, naghahanap daw ng mga fresh graduate na programmer ang tropa niya na nasa Manila tinanong niya ko kung gusto ko daw. sinabihan ko ang tropa ko ang nag apply kaming dalawa. nauna makuha ang tropa ko halos 2 linggo rin ang lumipas bago ako tinawagan at pinapunta doon. at dun na ngsimula ang kwento ko bilang isang programmer sa unang trabaho ko Netspeed Software Inc. hawak nila ng buong Hyundai dealer sa pilipinas lalong lumawak ang idea ko sa pagpoporgram. natuto ng ibat ibang technique sa pag poprogram na turo ng dalawa kung master. Sir Kim at Sir Piya. natuto na din ako ng vb.net at asp.net at iba iba pang mga programming language.
Nakapag byahe sa ibat ibang parte ng pilipinas para mag implement ng software naming. DMIS o Dealer Management Information System ito ay nahahati sa 7 sub module. PMIS, HRMS, CSMS, CMIS, AMIS, SMIS as DSA. at sa main ng Hyundai naman gumagamit sila ng ADMS - Automotive Distributor Management System nahahati naman ito sa 5 sub module, PMIS, WMIS, SMIS, HRMS at ADSA.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento