The Beginning : Netspeed Software Inc.

Pebrero taong 2007, Dalawang buwan bago ang graduation namin ng College sa University of Nueva Caceres. kasalukuyan akong nag aayos ng electric fan sa shop namin ng biglang may dumating na customer, si Sir Sandee pala, nag paayos siya ng box fan na electric fan, at kami nagka kwentuhan ng sandali, tinanong niya ako kung ano daw ang pinag kaka abalahan ko, sinabi ko ito po sir nag aayos ng electric fan ang nag proprogram sa isang maliit na tindahan sa my Mabolo. at ang sabi nya "ah". tapos bigla ulit siya nagsalita, naghahanap daw ang tropa niya sa manila ng mga fresh graduate na mga programmer baka daw gusto ko mag apply. sumagot ako "Opo". so pinapasa niya ako ng resume at eemail niya daw dun sa tropa nya. pagdating ng gabi, tinxt ko ang tropa ko na si Athan, kwenento ko sa kanya ung offer at sabi ko na chance na to pare, pero Uminom muna kami para masaya sayang naman may pag kwekwentuhan eh. so napagusapan namin na bukas mag papasa kami resume kay sir Sandee. 

Kinabukasan, pumunta kami sa UNC at nagpasa ng resume kay sir Sandee. sabi niya maghintay lang daw at kakausapin niya lang yung tropa niya, mga ilang minuto ang lumipas lumabas siya ulit ng office niya at sabi ready daw ba kami mag technical exam?, tanung namin anong oras po? sabi niya pagkatapos mananghali dumiretso na lang daw kami dun sa Mitsubishi Naga sa may Diversion sabihin lang na pinapunta kayo ni "Kim" para mag technical exam. so pumayag kami at lumabas muna ng UNC at nagusap, at napagusapan namin na kita kits na lang dun maya sagot ni athan "Ux".

Mga Komento